Yakap
Categories Poetry

Yakap

Pilit kinakalimutan ang nagdaan ngunit sa pagmulat ng mata sa isip ay ikaw kaagad ang nakalaan.
Hindi maintidihan kung ano ang sayo’y naging aking kasalanan upang ang bigat na ito’y aking maramdaman.

Hindi humuhingi ng kahit ano pa man.
Malaman ko lamang na ang mga bagay sa iyo ay unti-unti ng naayos at nabubo ay ayos na.
Kahit ang puso ko ngayon ay durog na durog na.
Kahit ang puso ko ngayon ay umiiyak sa katahimikan.

Wala naman akong balak na may patunayan.
Wala naman akong balak na ito ay may patunguhan.
Wala naman akong balak na ipilit natin kung wala naman talagang nararamdaman.
Wala naman akong balak sarili ay ipagpilitan.

Sa pagdaan ng mga araw lungkot na bumabalot sa sarili ay aking pilit na nilalabanan.
Sa pagdaan ng mga araw sinusubukan na tuluyan ka ng makalimutan.
Sa pagdaan ng mga araw hindi maiwasan na sisihin ang aking sarili kung bakit ko ito nararamdaman.
Ngunit wala akong maisip na kadahilan o kasalanan manlang bakit sakit na ito sakin ay ipinararamdam.

Siguro mali na ikaw ay pahalagahan.
Siguro kasalanan ang pagmamahal na sa iyo ay ipinaramdam.
Ngunit paano kita tatangihan, paano ko ipagsasawalang bahala ang bigat na iyong dinadala noong bigla kang nagparamdam.
Sabihin mo sa akin kung ito ba ang aking naging kasalanan. Sabihin mo sa akin kung kasalanan na ika’y aking pinapahalagan dahil isip ko ay lutang na kakaisip sa tamang kasagutan.

Yakap