ito yung mga katagang inuulit-ulit ko sa aking sarili.
mga katagang pilit kong pinaniniwalaang makakaya kong gawin.
pero mahal, ang hirap.
nahihirapan ako.
nahihirapan na ako.
pagod na ako.
pagod na ang puso ko.
sana hindi nalang kita nakilala,
sana hindi nalang pinagtagpo ang landas nating dalawa.
sana hindi kita minahal.
sana hindi na kita mahal.
‘yoko na,
ang sakit na.
ang sakit sakit na.
nakakatawa nga,
parang pakiramdam ko ako’y napakatanga.
tama nga ba ang sabi nila
na ang mga tao nagpapakatanga
pagdating sa pag-ibig?
parang oo.
pero gusto ko sana hindi.
pinipilit ko sa aking sarili na
‘wag nang umasa,
‘wag na ikaw.
na walang tayo,
at hindi ito lahat totoo.
pero mahal ewan ko,
kahit anong iwas ang gawin ko,
ang puso ko’y sa iyo parin patungo.
mahal, ewan ko,
kahit alam kong walang kasiguraduhan ito,
ako’y masaya sapagkat
ika’y nakilala at nakasama.
kayat mahal, hayaan mo akong magmahal at masaktan,
hanggat kaya ko ng panindigan ang mga katagang,
“mahal, ‘yoko na.”