Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

To My Love / God’s Best for Me…

Hi Kuya! Gusto ko lang sabihin sayo na I’m looking forward to meet you. Excited na talaga ako at the same time sobrang curious din kung sino ka hehe.. Di ko alam kung kelan at saan tayo pagtatagpuin ni Lord pero ang masasabi ko na lang, patuloy akong magtitiwala sa will niya sa buhay ko hanggat di pa tayo nagkikita. He knows what’s best for me and for you as well, so dun tayo sa kung ano ang plano ni God sa buhay natin.

Alam mo ba kuya? At the age of 23, I’m still single. No boyfriend since birth. NBSB ika nga. Minsan tuloy tinatanong ko sa sarili ko, “panget ba ako?”, “may attitude ba ako na di nila gusto?”, “Na-iintimidate ba sila sakin?”, “Do I look like a ‘mataray’ type of girl?” hahaha! You know kuya, my parents were married at the age of 24 kaya siguro may mga times na ganto yung nararamdaman ko.. Balisa kasi di ka pa dumadating sa buhay ko. Minsan niloloko ko parents ko “lapit nako mag-24 pwede na mag-asawa hahaha” .. But then my Papa told me, ipagdasal daw kita.. That’s what my Mama did bago sila pinagtagpo ni Lord. Nag-pray si Mama na yung lalaking dadating sa buhay niya ay may takot sa Diyos AND walang bisyo. God answered my mom’s prayer at the right time.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Now here’s me.. Patiently waiting for you because God told me to wait. I remember what Papa told me, na it will be God’s move not mine. Yung feeling na wala akong mapapala sa pag-papapansin ko sa ibang guys. Then naisip ko na baka yung oras na ipapakilala ka sakin ni God ay yung oras na ikaw na talaga ang para sa akin, ikaw yung “the One” ni God for me. It’s like God will not allow me to experience any pain or heartbreak from a wrong relationship anymore. Siguro magiging same kami ng love story ng Papa ko. In my Papa’s case, wala siyang ibang naging girlfriend kundi si Mama lang! Nag-iisa lang si Mama sa buhay niya. Na-focus si Papa sa pag-aaral at sa pagtataguyod ng family niya. Wala raw siyang pera pang date date non kaya nung nagka-work siya tsaka pa lang nagka-love life hehe. It seems like nakatakda na, na sa unang pagkakataon na magka-relasyon ako, ikaw na yung “forever” ko. Wag atat. Chill lang muna. Hintayin daw kita sabi ni Lord. Kasi for sure ikaw lang daw yung lalaking mamahalin ko at pasasayahin ko habang buhay. Yiiiieeee kinilig ka naman! Surprise mo po ako kuya ah! Yung tipong first meeting naten hinding-hindi ko makakalimutan. I always cherish the “first times.” ☺

I pray to God that you are a man who doesn’t look at the things people look at. You look at the heart. You accept me for who I really am. I’m not as pretty as Liza Soberano, not as sexy as Kylie Jenner, don’t have a flawless skin like Marian Rivera but I believe I am beautiful in my own way because God created everything beautiful, we, in His own image. Sa sobrang ganda ko, nabighani ko po yung puso mo kuya at hindi mo na nagawang tumingin pa sa iba. Naks! I’m a simple person, ni hindi ko nga kaya ayusan sarili ko eh. Kaya kong lumabas ng bahay ng walang bahid ng make-up face ko kahit may lakad ako haha! Baka pag nag-kita tayo ayun. Mag-start nako manood ng make-up tutorials sa youtube 😂

I pray to God that you are a man who cherish his family so much. I grew up to be a family-oriented type of woman. Lagi kaming may quality time ng family ko. Those deep talks about life with my family taught me so much that it made me who I am today. I love my family. Kaya hindi ko kakayanin kung papipiliin ako: Pamilya o Pag-ibig. I would still choose my family. Kaya mas masarap sa feeling na mahal na mahal kita at the same time mahal ka rin ng pamilya ko. Tanggap ka nila nang buong buo at ganun din ako sa pamilya mo. We enjoy each other’s presence, being together, na walang hadlang, walang balakid. Just pure love bind with happiness. We owe our lives not only to God, but also to our own families, our parents. Kung hindi dahil sa kanila, hindi natin mararating ang kung sino tayo ngayon.

I pray to God that you are a man who is God-fearing. Isang totoong Kristiyano. A Christ-centered relationship is all I want. We go to church together. We serve the Lord together. We worship God with all our hearts… You draw me closer and closer to God each and every day. You always encourage me to read my Bible. You live by His Word… You never fail to remind me that God is always with us even in the midst of the storm. Kapag dapang-dapa na ako, you are there to tell me na hindi ako nag-iisa, na may pag-asa kay God, that in Jesus I will find true peace despite of all the difficulties in life… Hand-in-hand we will accomplish God’s purpose in our lives… You are a man who loves God more than he loves his woman. That is all I could ever ask for.

So here I am, preparing myself to meet you. I’m still in college and I’m really working hard para matapos nako sa pag-aaral. Malapit na ako makagraduate kuya! Pray for me na mag-top din ako sa board exam, di lang basta makapasa! Aim high tayooo. I am still a kid at heart with big dreams in life kaya sensya na po kung makulit ako minsan hehe. I love what I’m doing. Masaya ako sa kursong kinuha ko kahit sobrang hirap, kaya ngayon pa lang inaayos ko na buhay ko para pag nagkita tayo may maipagmamalaki naman ako sayo at maiisip mo na lang.. May “future” ka sa akin.. 😉

I sincerely care for you kuya. Sensya na kung wala ako sa tabi mo ngayon. Pero sana sa letter ko na ito, napangiti kita..
Sorry kung di kita mayakap ng mahigpit lalo na sa mga panahong kailangan mo ako. I can’t say comforting words you wanna hear ‘coz I can’t reach you right now. All I can do is say a prayer and I hope you will feel my virtual hug through God’s embrace on you. 🤗

Maaaring hindi pa nagtatagpo ang landas natin dahil hindi pa tayo ready sa isa’t isa. May kailangan pa tayong ayusin/baguhin sa buhay natin. And when the right time comes, I now have a special place for you in my heart as I am to yours. God is still writing our love story so let’s be patient and trust His perfect timing. Soon enough our story will be published. I guarantee you, it will not be best-selling but rather Life-changing for our story is written by the author of Life.

Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na mahal kita. But you will hear these words from my mouth sa tamang panahon. ☺

I will not settle for a man of earthly standard but rather a man of God’s standard. And that’s you kuya. You are God’s Best for Me.

Take care of yourself always. I’ll be here, waiting…

Yours truly,
The Woman who also Prayed for You

Send me the best BW Tampal!

* indicates required