Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Paru parong umiikot sa tiyan.
Parang kinikiliti kahit di naman hinahawakan.

Ngumingiti sa musika ng di alam
Di naman masarap ang pagkain pero ginaganahan.
Sumasaya padin sa araw na may pagod at stressed sa katawan.
Ang makausap ka ay isa ng araw na di malilimutan.
Habang pinapakilig ng mga salita mong talagang tumatatak saking isipan.
Di na tulo’y mapakali parang gusto ka ng pakasalan
Kahit pa wala pa ngang pangyayaring ligawan.
Nakakatawa lang, di kanaman vitamins pero pag wala ka bigla kitang namimiss.
Adik na ata ako!! pakulong mo na ko pero dyan naman sana sa puso mo please.

Tara at maglaro tayo ng kasal kasalan,
yung tipong pang walang hanggan.
tapos magluluto lutuan, para masarap ang pagsasamahan.
ayoko lang ng larong tagu taguan, baka kase di natin maklaro kung ano yung nasa ating isipan.
pero mas excited ako sa taya tayaan, para sure akong hahabulin mo ko at di iiwan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required