10•15•18 (11:05:56 AM)

Nangyari ang lahat sa simpleng biro lamang. Pinakilala ako ng isa kong kaibigan sa isang kahera habang siya ay nagbabayad ng kanyang pinamili;… “ma’am kaibigan ko nga pala si…. (opo ako yun👋🤓)” at napangiti ang kahera at ako nama’y pahiyang tumingin sa kanya at duon na nga nangyare ang sinasabi ng iba na ‘Tumigil ang mundo sa pag-ikot’. Siya ay binibini na may taglay na maamo/mala-Angel na ganda at kaaya-aya ngiti. Mula ng araw na iyon ay tumatak na siya sa puso’t isip ko pahanggang ngayon. Nice to meet you ma’am 😊

(siya po ang dahilan kung bakit nababasa nyu to ngayun. Totoo po nyan ay unang sulat ko po ito😊)

 

Naniniwala ako na hindi mangyayari ito kung hindi iniadya ng Panginoon☝️.

😇