100 TULA Umabot man ng isang daang tula ang aking magawa Sa bandang huli, katulad ni Fidel wala din akong mapapala Katulad ng isang daang tula na sa kaibuturan pa ng puso ko nagmula Hindi na mapapawi ang sakit na ako din mismo ang nagpawalang bisa Alam kong hindi aabot ng isangdaan Kung ako’y iyong tatanungin kung ano ang dahilan Kung bakit kita nagustuhan Ngunit alam kong kayang tumbasan Ng isang daan ang mga dahilan Kung bakit hindi mo ako magugustuhan Hindi ako katulad ni Stella na may itim na lipstick Hindi ako katulad ni Stella na rakista Pero katulad ako ni Fidel na nauutal pag ang mata mo at mata ko ay nagtama Katulad ako ni Fidel na sa tula ibinubuhos ang bawat patak ng luha Pero alam mo bang sa bawat pagpatak ng aking luha Pinapatunayan lamang nito na Ikaw at Ako ay hindi maihahalintulad sa isang tula na kahit kailanman hindi magtutugma.