Para Sayo

Ang iwan ang taong mahal mo ay walang kasing sakit
Tutulo ang luha mo kahit mata’y nakapikit
Ang matapos ang araw na hindi ka nakikita
Pusoy nalulumbay at nangungulila sayo sinta
Ang hiling koy magbalik ka, ngunit alam kong malabo na

Ang dati kaya ay maibabalik pa?
Noon tayoy masaya pa,noon halos araw araw pa tayong mgkasama
Tila oras ay kay bagal sa tuwing kasama ka
Pakiramdam ko ito’y humihinto pag andyan ka
Sana hindi sya natapos,sana hindi sya tumigil pa

Kay sakit ng tila ika’y lumisan
Sa hindi malamang dahilan
Iniwan mo akong parang nasa kawalan
Malungkot,nag iisa at naghahangad ng kasama

Ang lahat ay lumalala pa
Nang lumipas ang araw na ika’y nag iba na
Tila tayong dalawa ay estranghero sa isa’t isa Nagbago ang lahat, parang balik sa umpisa

Kung alam mo lang kung paano ako nasaktan
Na kahit sa malayo ika’y tinitignan, inaabangan
Di mabilang kung ilang beses akong humikbi
Natutu akong magtago sa likod ng ngiti na mapagkunwari

Noon huling araw ng ako’y tuluyang ng lalayo
Walang tigil ang aking luha habang papalayo
Dahil alam kong iyon ang huling sulyap sa iyo
Alam kong sitwasyon natin ay tuluyang magbabago

Patawad dahil ako’y lumisan
Maniwala ka, ako ang sobrang nasaktan
Pero kelangan kong gawin dahil hindi ko na kaya
Halos wala ng mailuha pa ang aking mata

Sa aking paglayo, hanggad ko ang kaligayahan mo
Makatagpo ka sana ng babaeng mamahalin mo
Ipagdarasal kita na sana lumigaya ka
Dahil isang araw pag nakita kitang lubos na masaya ako ang unang magging maligaya

Paalam mahal ko
Hanggang dito na lang ako