[October 24, 2017]
Hi Mr. Future,
Naisip kong sulatan ka ulit. So, this is my second letter to you. Sa ngayon Mr. Future muna itatawag ko sayo. You know naman, wala pa tayong endearment. Well, darating din tayo doon. Actually, ayoko talaga ng mga endearment na yan. Lalo na ung mga Darling, Sweetheart, Babe, Baby, Honey, Sweetie at kung anu ano pa. Okay na ako sa Panget, Unggoy, Kingkong, Ape, Uranggu. Haha. LOLS. Pero syempre joke lang naman. Baka hindi mo na ako i-pursue kapag tinotoo ko yun. Haha.
Hindi ako naiinip kung bakit hanggang ngayon wala ka pa. Chill lang, alam mo yun? Pero for now, masaya ako na sulatan ka. Time will come, ipapabasa ko sayo ‘to. As the time comes, you too will come. Oha. Byieee. Take care. See you soon.
Patiently waiting for you,
– Kali ♥