Nakakadepress noh? Yung mga nasa paligid natin? Nakakadepress yung mga bagay pati na din yung mga tao. Pakiramdam mo wala namang nakakaintindi sayo. Nakakadown ng sarili eh. Ayan! kung ano ano na naman naiisip mo. Nadedepress ka na naman. Puro negative thoughts na naman nasa isisp mo noh? Tuwing gabi di ka makatulog dahil nag iisip ka na naman ng kung ano ano. Nararamdaman mo na naman yung pagiging “ALONE” mo.

Ang nakakalungkot pa pag na-depress ka. Kapag sinabi mo sa kanila yung probema o nararamdaman mo, ipapamukha pa sayo ang pagkakamali mo. Lalong nakaka depress. Lalong nakakdown ng sarili! Pero kahit na! Alam ko sa sarili ko na kailangan kong gawin. Isipin nalang natin na malalagpasan natin kung ano ang pinagdadaanan natin.

Kung pwede lang sana humiling na sa isang iglap maglaho na tong nararamdaman ko, kaso hindi eh. Hindi naging enough sa iba yung ginagawa ko. Hayst. Hasyst.