Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Tulooooooooooooong..

Sigaw ng isip sa sarili, tulungan mo ako pagod na ako sa pagiisip, pagod na ako kimkimin lahat ng sakit  at lahat ng problema.

Hilahin mo ako paangat sa pagkakalunod ko, nalulunod na ako sa emosyon, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa, unit-unti na akong nawawalan ng gana. Tulungan mo akong ibalik ang ngiting nawala sa aking mga labi dahil sa mga pait na aking sinapit. Alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin para makawala sa kalungkutan na nararanasan ko ngayon. Wag kang susuko dahil ikaw na lang ang kinakapitan ko para lumaban sa mga darating pang pagsubok ng buhay ko.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sarili ko magpakatatag ka dahil ikaw lang ang nagiisang makakatulong sa akin upang makawala sa kadiliman na bumabalot sa aking isipan. Patawarin mo ako kung minsan nawawalan na ako ng pagasa sa buhay pero alam ko ikaw lang ang aking makakapitan. Huwag mo akong sukuan dahil ikaw lang ang nagiisang ilaw na maghahatid sa akin pabalik sa liwanag sakabay na mga dasal na akin sinasambit.

Huwag kang susuko dahil umaasa akong isang araw makakaalis ako sa kadiliman na dulot ng aking kahinaan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required