Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Palangga,

Palangga kumusta ka na? Alam mo ba pinapakinggan ko yung kanta ni Johnoy Danao na Ikaw at Ako? Para habang pinapakinggan ko ito gusto ko lang maramdaman pressence mo. Palangga naalala mo ba yung sinabi ko sayo na nakazero ako sa Differential Equation? Sorry ang fragile ko ngayon AHHAHA sana kasama kita ngayon dahil kailangan na kailangan ko ang yakap mo ngayon. Nawa’y dalangin mo sana palangga na matapos ko itong kurso kong ito dahil hirap na hirap na ako. Hindi ko na makita silbi ko dito sa totoo lang. Nahihiya na ako sabihin sa mga magulang ko na magshishift ba ako? Palangga nakuha ko grade ko sa DE at naka 4.00 lang ako 🙁 Reasonable naman yun dahil sino ba naman teacher ang magbibigay ng 3.00 sa estudyante di niya napasa ang kanyang exam diba? Pero palangga isa lang dasal ko ngayon sa diyos, kundi sana ay bigyan niya ako ng lakas ng loob at higit sa lahat ay di mawala yung tiwala na meron ako sa sarili ko ngayon. Unti unti na ulit lumalakas loob ko. Sana makabawi ako palangga. Kung nasaan ka man ngayon sana nasa maayos na kalagayan ka at lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita kahit hindi pa kita nakikita o nakikilala. Tatagan ko loob ko palangga dahil alam ko kasama ko ang diyos. Kung nahihirapan ka rin ngayon, dasal at dalangin ko na huwag ka pabayaan ng diyos. Nandito lang ako palagi para sa’yo. Mapait ang mundo pero magiging matamis kung gugustuhin natin. Laban lang palangga!

Send me the best BW Tampal!

* indicates required