Ang Pag-ibig na Hinintay
Categories Poetry

Ang Pag-ibig na Hinintay

Una masaya lang ako na ang kasama ko KAIBIGAN lang
OO, Hindi maiwasan na mainggit ako…
OO, Hindi maiwasan na mapaisip ako…
OO, Hindi maiwasan na sana ako rin MARANASAN ko ang MUNDO NG PAG-IBIG.

Hanggang sa dumating ang araw na LUMAPIT KA SA AKIN.
Lumipas ang araw na LUMAPIT ka sa AKIN
KINAUSAP mo ako, INALAM ang aking PANGALAN.
Hanggang sa hindi nagtagal, NAGKA-KWENTUHAN.
At dun na pala MAGSISIMULA ang LAHAT.

Ang lahat kung saan MARARAMDAMAN KO NA ANG MUNDO NG PAG-IBIG,
Teka, sandali PAG-IBIG na nga ba itong aking nararamdaman?
Gusto kong malaman PINAPARAMDAM MO BA o AKO LANG ANG NAKAKAALAM.
LUMIPAS pa ang mga araw mas lalo pa tayong NAGKAKALAPIT sa ISA’T-ISA
Mas lalong LUMALIM ang aking PAGTINGIN,
Ngunit ako’y NANGANGAMBA pa rin na baka sa bandang huli AKO LANG ANG NAKATINGIN.

Ngunit pakonti-konti mong pinaparamdam na isa AKONG ESPESYAL SA IYONG PANINGIN.
Pero BAKIT ganon hanggang dito na lang ata ang aking kwento?
MAGLALAHO na lang ng parang BULA, BIGLA BIGLA na lang MAWAWALA.
Dapat ko na bang TAPUSIN dahil may KATAPUSAN pala ang PAGPAPASAYA mo sa akin.
O dapat na ba akong MAGISING na sa UNA PA LANG ay nasabi ko na, ito ba dapat ang
“PAG-IBIG NA HININTAY?”…

Teka ito pala DAPAT ang parte na HINDI ko pwedeng KALIMUTAN,
Na ang lahat ng ito ay HINDI ko MAAARING HINTAYIN,
Na ang lahat ng ito pala ay DAPAT INILALAPIT din,
Ika nga nila, mas MASAYA kung BUNGA ito ng iyong PANALANGIN.