Current Article:

Babae Ako Pero Inlab sa Bakla na Hindi Naman Ako Kilala

Babae Ako Pero Inlab sa Bakla na Hindi Naman Ako Kilala
Categories Relationships

Babae Ako Pero Inlab sa Bakla na Hindi Naman Ako Kilala

To you, []

Sana paglaanan mo ito ng kahit konting oras para basahin.

Ito ba ‘tong sinasabi nilang “unconditional love”?

Hindi ko nga siya nakita sa personal kahit sa isang pagkakataon lang pero eto ako, atat na atat sa kanya

Nakita ko siya sa picture lamang. Parehas kasi sila ng school ng kuya ko nung college pa siya

Una ko siyang nakta noong Grade 10 ako. Isa siyang associate editor sa The Exponent- magazine ng college na kinabibilangan niya.

By the way, yung kuya ko pala yung nag-uwi ng magazine sa bahay.

Dun, dun ko siya nasilayan. Sa last part kasi ng magazine, nandoon yung mga picture ng mga writers.

Sa unang tingin ko sa kanya, sabihin nalang natin na na crush at first sight talaga ako sa kanya kasi gwapo eh.

Sabi ko sa sarili ko, “Kung makaka facebook ako, ista-stalk kita. Sa susunod nalang kasi walang load yung WiFi”.

Yun. Doon nagsimula ang lahat.

Pero, nakalimutan ko rin siyang i-stalk.

Marami nang nangyari at nakalimutan ko na rin siya.

Lumipas ang isang taon, nagdala na naman yung kuya ko ng same magazine like last year.

Kinuha ko tapos patingin- tingin sa pictures.

Eto, last page na ng magazine.

Nagulat ako.

Bigla ko siyang naalala. Nandoon na naman yung mukha niya sa magazine pero editor-in-chief na siya.

Talagang nagulat ako kasi yun lang yung time na naalala ko yung sinabi ko sa sarili ko na ista-stalk ko siya sa FB.

Talagang one year after ko pa naalala. Napatawa nalang ako.

Pero hindi ko pa rin siya na-stalk. Gabi na kasi yun tapos wala ring load yung WiFi.

Kaya, sabi ko na naman sa sarili ko, “Ano ba to. Diba sabi ko sel ista-stalk mo siya. Ngayon mo pa talaga naalala? Sa susunod nalang.”

Yung picture niya sa bagong magazine, doon ako nagka-hint kung ano yung course niya at year level.

Engineering pala siya at mukhang fifth year student na. Orange kasi yung suot niya tapos yun yung practicum uniform na nakita ko sa previous pages ng ibang engineering students sa magazine.

Napasabi ako sa sarili ko, “Ahh so fourth year pala siya nung grade 10 ako.”

Ilang buwan ang lumipas, nakalimutan ko na naman siya.

Nasa Grade 12 na ako.

Nagpaplano na ako kung ano yung kukunin kong course pagka college.

Si mama, may binigay siya sa akin na mga magazine daw na galing sa kuya ko na pwedeng makatulong sa pagde-decide.

Binuklat-buklat ko yung mga magazine hanggang…

Hanggang sa nakita ko na naman yung crush kong engineering student pala.

Ang saya ng naging reaksyon ko kasi naalala ko na naman siya!

At, hindi lang iyan, may load pa yung WiFi namin!

Kaya, dali-dali akong nag-on sa computer at naglog-in sa FB.

Tinype ko na yung name niya sa search box.

NATUWA AKO kasi lumabas talaga yung pangalan niya sa results.

Natupad na talaga yung plano kong pagstalk sa kanya.

Nakita ko na yung timeline niya. Ang gwapo niya sa kanyang cover. Kasama niya yung classmates niya suot yung practicum uniform nila.

Dun ko rin nalaman na electronics and communications engineering siya.

Pero nabigla nalang ako nung pagscroll down ko sa timeline niya.

Bading? Talaga? After all this time, bading pala siya?

Lalake kasi talaga yung mukha niya sa magazine at walang bahid na kabadingan.

Hindi ako makapaniwala. Grabe.

May mga picture kasi akong nakita na babae yung tindig niya. Tapos yung nasa beach siya, naka boxer shorts na para bang pinapakita niya talaga yung legs niya.

Mas maganda pa nga yung legs niya kaysa sakin. Ang puti tapos mukhang makinis pa. Walang bahid na peklat.

Hay nako. Kabaliwan yata tung natiyempuhan ko.

Gwapo pa naman sana pero bading pala.

At first, denial pa ako. Sabi ko baka ganun lang talaga siguro siya pero hindi siya bakla.

Pero hindi naman lahat ng pictures niya bading.

Kaya nalilito ako. Marami rin kasi siyang pictures na astig ang tindig.

Pero deny nang deny pa rin ako.

August 31, 2017 yun. At nagsend pa rin ako sa kanya ng friend request.

Everyday sa school, stalk nang stalk ako sa timeline niya at naghihintay ako kung kalian niya i-accept yung friend request ko.

One month later, hindi niya parin inaccept yung request ko.

Another month came by, October na.

Nabalitaan ko nalang sa timeline niya na naka pasa na pala siya ng electronics licensure examination.

Ang saya saya ko nung nalaman ko yun. Nagpost kasi siya.

Yung feeling ko, parang nakapasa rin ako ng board exam.

Dun ko naintindihan yung feeling na pagiging masaya para sa iba

Grabe ang saya ko para sa kanya. Parang sasabog na ako!

Nagstatus rin ako sa fb ng congratulations pero, ofcourse, hindi ako nag-mention sa kanya.

Pati sa twitter ko rin, nag status ako ng congratulations.

November na.

Diyan pa niya inaccept yung FB request ko- November 11, 2017, 11:31 PM

Siyempre, ang saya-saya ko. Napasigaw pa ako ng kaunti sa classroom.

Actually, nadiscover ko na sabay pala sila ng birthday ng papa ko.

Kaya, kung birthday niya, nagcecelebrate din kami dito sa  bahay at siya rin yung naiisip ko tuwing nagcecelebrate na kami.

Hanggang sa nakatapos na ako ng Senior High, siya pa rin yung gusto ko.

Magko-kolehiyo na ako.

Akala ko doon din sa school niya ako mag-aaral pero hindi pala.

Hindi kasi ako pinayagan ng parents ko na mag-aral doon kasi hindi daw masyadong maganda magturo yung mga prof nila doon sa course na gusto ko.

Gusto ko lang naman sana na same kami ng alma mater.

Kaya sa ibang school nalang ako pina-aral nila mama.

Nung nagfirst year na ako, kahit hindi ko pa talaga siya nakita, siya pa rin yung crush na crush ko.

May nagustuhan akong classmate ko. Nakita ko na parang may hawig kasi sila. At isa pa, baing din siya.

Umabot yung time na parang nawala yung feelings ko sa kanya kasi mas naging crush ko na si classmate.

Siya kasi yung nakikita ko araw-araw eh.

Pero umabot rin yung time na nawala na yung feelings ko sa classmate ko nung time na nalaman ko yung crush niya- yung maganda ko rin na classmate.

Bading siya pero nagkakagusto rin pala siya sa babae.

Eh sana ganyan ka rin Engineer.

Marami na rin akong naging crush sa school pero isa lang ang ang masasabi ko sa kanila- bakla.

Dahil sa kanya, mga bading na rin yung ngugustuhan ko ngayon. Hindi na ako masyadong nakakagusto sa tunay na lalake.

Hanggang ngayon, siya pa rin talaga yung crush ko. Hindi ko alam eh kung bakit nangyari to sa akin.

Feel ko nga in love na ako sa kanya. Inlab ako sa taong hindi naman ako kilala.

Basta isa lang yung maalala ko noon.

Sabi ko sa sarili ko, imposible akong magkakagusto sa isang bakla.

Pero anong nangyari ngayon?

Naging posible ang imposible. Nangyari ang inakala kong hindi mangyari.

Tuwang-tuwa rin ako noon yung nagfollow back siya sa Instagram ko.

At naglike rin siya sa ibang pictures ko.

May twitter siya, pero hindi ako nag-follow sa kanya kasi may mga tweet ako na tungkol sa kanya.

Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikita.

Gusto ko siyang makita talaga. Pinaubaya ko na sa Diyos lahat niyan.

Siya ang huling laman ng mga dasal ko sa gabi. Siya talaga.

Siya nga ang dahilan kung bakit nadiscover ko tong boilingwaters eh.

Nabasa ko kasi na may article siyang naipublish.

Kaya pala ha relate na relate ka Engineer dun sa kanta ni Janine Teñoso. Hahaha

Nung araw kay tamis ng ating buhay
Puno ng saya at ng kulay
‘Di mauulit muli”

Relate na relate ka talaga sa first line ng lyrics na yan. Ang tamis talaga ng kahapon ninyo.

Ngayon, naiintindihan na kita.

Ang kinatatakutan ko lang talaga, kung mabalitaan ko nalang na ikakasal na siya (if ever na may plano siyang magpakasal)

Medyo malayo kasi yung gap namin. Alam ko na iiyak talaga ako.

Eh ngayon nag-aaral pa ako. Tapos yung course ko may board exam pa.

Tapos sa school namin, mahirap makagraduate lalo na na mahirap din tung course ko.

Sana sa huli, gagawa ang Panginoon ng paraan para pagtagpuin kami.

Dear [],

Di ba may nagsabi sa iyo na intindihin mo yung sarili mo?

Tapos sabi niya matatagpuan mo rin ang para sa iyo nang hindi mo inaasahan.

Wish ko na sana nga.

Pasensya lang yan. Maghintay ka talaga.

Bata ka pa naman eh.

Pareha lang naman tayo, unrequited love.

Kaya nasulat ko ito kasi wala talaga akung makausap tungkol sa mga nararamdaman ko.

Wala naman kasing interesadong making sa akin.

Alam mo, kahit maraming lalaki na pwede kong magustuhan, hindi ko sila nagugustuhan dahil ikaw talaga yung gusto ng heart ko.

Parang feel ko na kasal ako kasi hindi na ako nagkakagusto sa iba.

Irreplaceable ka sa puso ko.

Eto na mag e-english na ako. Ang galing mo pa naman mag-english, nabasa ko sa mga articles mo sa The Exponent. Maulaw sad ta nimo.

Never think less of yourself Mr. Engineer, I can see you perfectly and you got all the things and attitudes in a man that I want.

You are rare and your personality is hard to find in most of the people.

I can see you as a responsible and a loving son even if we are not friends and even if I haven’t seen you in reality.

You’re such a great man. Always remember to stay humble despite of who and what you are right now.

It came to the point right now that I’ve been praying for you to our good Lord every night before I sleep.

I even always talk to Him about you.

I always tell Him that He will keep you safe all the time wherever you may be.

And, I’m asking Him to give you to me in the right time, hoping that you will be able to love me back.

How I always even wish that I’m right there by your side to comfort you if you feel sad and help you to cheer up.

Hey, you know I’ve experienced unrequited love as always. I never tried yet that someone gave me back the love that I had invested upon them.

But still, I was thankful because right now, I realized that it was all for my own good.

Mr. Engineer, don’t worry, God’s plans are always better than ours. Put that in mind.

Just don’t rush. “You know, we can’t rush love. Let’s wait awhile” – Janet Jackson.

Someday, you’ll also realize that all the heartaches you felt are worth it.

I will wait for the time that we will meet, gay guy.

Even if you’re gay, but you’re the man that I want.

I can already see everything in you and I’m thankful that I met you in my life even if it was just in the picture.

You know, whenever I stare at the sky, stars, sea, sunrise, sunset and even at the overlooking views, you’re the only one that I can always imagine. I always wonder where you are.

Someday, I will be able to see you in reality.

I will be patient for God’s perfect timing.

Don’t worry my dear, someone out here loves you deeply and prays for you.

Someday, we are going to make bunch of artworks because I’m an artist as well and I love art so much.

We’ll listen to old songs together.

Anyways, thank you for following me back on Instagram and for sometimes liking my posts. It somehow gives me delight.

You will know who I am someday. We will meet, in God’s time. Then, I will tell you that I’m the one who wrote this confession.

I love you [],

Yours,

thehopelessromantic