Magkausap sa buong magdamag Mga salitang nagbibigay sinag Sa damdamin kong sayo ay habag Ako na ba’y nagiging bulag? O sadyang nadadala lang sa’yong mga matatamis na pahayag. Usapang malabo Mga salitang sa aki’y dumapo Minsan sa aking mundo Isipan ay gumulo Saan nga ba ito patungo? Aabot nga ba hangaang sa dulo? O hanggang doon lang sa kung saan “okay tayo”? Nalilito, gulong-gulo ang aking isipan. Dapat nga ba kitang pagkatiwalaan? Ito na nga ba ang aking kinakatakutan Na tuluyang mauwi lahat sa hangganan? Lahat ng akala kong walang katapusan, Lahat ng akala kong puro kaligayahan, Lahat ng akala kong pareho ang nararamdaman, Lahat ng akala kong habang buhay magdadamayan. Ang nais ko lang naman sana ay maging masaya Sa piling ng taong tunay akong sinisinta Hindi yung puro laro lang hanggang mauwi sa wala At magkasakitan dahil hindi pa sigurado ang isa. Bago sana tayo pumasok sa ganitong ideya Una na nating inisip ang magiging resulta Para hindi tayo makasakit sa damdamin ng iba Ipanalangin muna ng maigi kay Bathala Upang sa bawat isa’y maging pagpapala At habang buhay nang maging masaya Sa piling ng isa’t-isa.
Current Article: