Current Article:

Hindi ko iniintindi ang tagal, Mahal.

Hindi ko iniintindi ang tagal, Mahal.
Categories Relationships

Hindi ko iniintindi ang tagal, Mahal.

Sanay akong magisa, 

Masaya akong ginagawa ang mga bagay ng walang kasama. 

Ngunit nakita ng Diyos na kakailanganin kita, kaya hinubog Niya ang puso ko at naging matibay sa pag hihintay sayo. 

Katulad ni Hannah, ginugol ko ang oras ko sa panalangin para hingin ka.Hindi rin ako nag madali gaya ni Ruth dahil alam ko na ang pagmamahal na bunga ng paghihintay ay pang habambuhay. 

Hindi ko naman iniintindi ang tagal, Mahal. Dahil habang hinihintay ka, nag pupuri at nag papagamit ako sa Diyos ng sobra-sobra para sa kaharian Niya. Panatag kasi ang loob ko na ang Diyos na tumupad ng pangako kay Abraham at Sarah ay Siya rin ang Diyos na nangako sa akin. At bago pa mag tagpo ang ating mga mata sobra-sobra na kitang mahal sa panalangin. 

Hindi ko man alam kung nasaan ka ngayon, pero sigurado akong gumagawa na ng paraan and Diyos para pag tagpuin tayong dalawa. At kapag nakita kita, hindi hahayaan ng Diyos na malito o maguluhan ako. Malalaman kong ikaw ito dahil sa unang pag kakataon, magiging sigurado ako.