Woman standing on jetty and watching sunrise by the lake.

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

” Was there a lifetime waiting for us, in a world where I was yours? “
– Ben & Ben

This is my another confession after I posted the first one.

Sinabi ko noong nakaraan na, ” I’ll keep this feeling as a motivation because I will remember na minsan, may isang tao na nagpa-realize sa akin that I am still appreciated and loved and that was one of the best highlights in my life.”

Binalikan ko ulit ang previous confession ko dahil nagparamdam ka lately on my posts especially on my Facebook’s story at siguro, may idea ka sa mga nangyari sa akin.

Few months after we were apart, I became close to my colleague at work. Nabanggit ko sa’yo actually ito at sinabi ko na may gusto ako sa kanya. Nagkaroon kami ng mutual feelings pero hindi sya nagbigay ng commitment nung una dahil may girlfriend siya pero sumugal ako.

You mentioned this, ” Sana one of these days, mahanap mo yung tamang tao para sayo. Di mo kailangang gawin na ibigay ang ilang bagay para lang magustuhan ka. Tandaan mo, ang tunay na nagmamahal, naghihintay ng tamang panahon. ”

Sinabi mo na huwag ako magpapaloko sa taong ito, naalala ko rin na sinabi mong, ” Nakita mo na kung paano ka nya niloko at pinagsabay kayo nung talagang girlfriend. Ang sa’kin lang is be wise kasi open na yung mata natin sa reality pero ini-insist ng puso natin na minsan mali. I hope you see that and make things balance. Mahirap kasi, sa isang banda na mahalin mo sya. Unless, pinatunayan nya sayo na nagbago na sya. “

Alam kong ayaw mo akong masaktan nung mga time na yun. Naiintindihan kita, pero pinaglaban nya ako. Nagkaroon kami ng relasyon, but LDR. One time, nag-view ka sa stories ko at napansin ko ang heart reacts mo sa pictures ko at sa snap namin ng boyfriend ko while on call. Kung saan nagco-comment ang boyfriend ko sa shared posts ko, doon ka nagre-react. Napansin ko yun and there was guilt on my end with an unknown reason as I assured previously, ” Ipaglalaban ko ang sarili ko sa tamang tao. “

Naalala ko lahat kung paano ako nabuo na nandyan ka. Kahit sandali lang, naging masaya ako. We parted ways na ok ang puso ko. Pinararamdam mo pa rin ba sa akin na anjan ka pa rin.

I am happy that you are fine. Gusto kitang i-message para kumustahin pero hindi ko magagawa because I do respect my relationship with him, because I love him so. I choose someone regardless of what he has been done from the past. Ayokong maging unfair, kaya pinipili ko na lang na mag-move on sa lahat.

If there is one special person in your life, sana di ka nya saktan. Sana dumating na rin ang taong magpapasaya sa’yo. Pipilitin kong maging masaya sa taong pinili ko kahit anong mangyari at aayusin ko na lang kung ano ang meron sa buhay ko ngayon.

I will always be grateful to have you. Wishing you luck everyday.

Best Regards,
The One You Found HeartBroken