Anim na letra 
 Na minahal ko ng sobra-sobra
 Hindi ko lubos inakala 
 Na ako’y nahulog sa kaniya
Ang babaeng pinakamaganda
 Sa aking mga mata 
 Nasa akin ay nagbibigay saya
 At lubos kung binibigyang halaga
Hindi ko inakala 
 Na siya’y mapapasaakin na
 At pinapangarap lang dati na siya’y makasama
 Na ngayo’y nasa tabi ko na
Ang babaeng nagbibigay saya 
 At siyang dahilan nang aking tawa
 Dahil sa mga kabaliwan niya
 Na siyang papahalagahan ko nang sobra-sobra
 At hindi na hahanap pa nang iba
                                                        
                                                        
                                                        
                                                        
                                                        



                                                
                                                
