Pinili kong maging tapat, pero iba pala ang ‘yong hanap
Pinili kong magtiis, pero iba pala ang ‘yong namimiss.
Kaya wag ka nang magtaka kung pinili parin kita
Di na upang mahalin pa bagkus ay kalimutan na..
Hindi lahat ng pinili ay masaya
at hindi lahat nang iniwan ay nagdurusa
Dahil kailanman hindi magiging sapat
ang pagmamahal na hindi sayo nararapat.
May panahon para sa lahat
at may panahon para sa paglimot
Siguro sa umpisa lang mahirap
Pero hindi na sya ang karapat dapat..