Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Tahan na aking sambit sa sarili

Lilisan ako at di na lilingon ulit

Di na ko mangangamusta at

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


pipiliting manatili

Sapat na ang dalawang taon na andyan

ako sa tabi mo

at nagpabalik-balik

Ayoko na magbakasakali sa pagmamahal

na ikaw mismo ang di nagbahagi

Ayoko ng umasa sa mga pangako mo na

di mo na ako sasaktan muli

Sapagkat sa haba haba

ng pinagdaanan ko na kasama ka

ay tila ba ang kaligayahan ay di na maari

Pinuno mo ng pasakit at pagtataksil ang isa

sanang magandang kwento na sanay tayong dalawa ang

nagmamayari

Akala ko noon ang pagsasawalang kibo at

pagpikit mata ay kakayanin ko pa

ngunit suko na ko sinta

Ang dating kulitan at tawanan

ay napalitan ng pait at galit.

Ang mga araw na dapat ay nagkakamustahan

ay napalitan

ng labis na katahimikan at di

pagkikibuan

Di ko na ata magagawang kumapit

dahil ikaw mismo ay di na mahagip

at tila ba ang buwan na kay init ay

naging malamig

Napagod na ako maniwala na

magbabago ka at bibigyan mo ako ng

halaga at lalo mong pinamukha sakin na

wala akong karapatang maging maligaya

na tila ba isang bagay iiwanan sapagkat

walang ng gamit

Naghintay ako ng kay tagal ngunit

Sabi mo nga ang salitang mahal ay di na maari

ngunit sa kabila ng lahat..

sasambitin ko na…

Salamat sa sakit at sa di pagpili

Salamat sa pagtapon ng ating mga alaala

Sa wakas ako’y napagod

na at tuluyang lilisan at itong ating kwento ay di na mauulit.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required