Bisyo
Categories Poetry

Bisyo

Limang letrang nakakaadik
Dati ay iniiwasan
Sa tuwing nandyan kana dina,
Kayang layuan.

Bisyo, ikaw na ang aking hinahanap,
Sa tuwing ako’y nalulungkot.
Bisyo, dito’y ginagastos ang pera,
Para lang natikman ang pait ng alak.

Bisyo kasama ko tuwing gabi,
At tila’y naiiwasan ng kumain.
Dahil dito’y nakalimutan ko,
Ang aking mga problema.

Tila dina nakakatulog,
Pag dika matikman at mahawakan.
Ika’y nagpapasaya sa akin
Sa tuwing akoy magisa.

Ika’y hinahanap sa aking panaginip,
Na sanay di mawawala sa aking buhay.
Bisyo dito’y ang aking mga magulang ay,
Tila’y nagbago na sa akin.