Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Lunurin..
Lunurin mo ako sa iyong mga yakap
Lunurin mo ako sa ‘yong haplos sa aking puso

Hawiin mo ang aking buhok upang makita ko ang iyong mga mata..
Tanggalin ang takip sa’yong pisngi upang makita ko ang iyong ngiti

Hawakan mo ang aking mga kamay
Upang manatli akong nakatindig
Lumakad tayo sa kawalan at namnamin ang bawat sandali

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ang bawat sandali sa aking panaginip
Na ikaw at ako ay magkasama

Lunurin mo ako sa iyong yakap at sa ‘yong haplos sa aking puso na dito lamang sa aking panaginip

Hawiin ang aking buhok at tanggalin ang takip sa iyong pisngi upang aking matanaw na hindi ako ang nasa ‘yong puso at dahilan ng iyong mga ngiti

Hawakan ang aking kamay at lumakad sa kawalan, namnamin ang bawat sandali na tayo’y nandito pa sa aking panaginip

Lunurin mo ako..
Pag-apawin mo ang panahon na tayo ay magkasama
Habang ika’y nandito pa..sa aking panaginip
Habang ako’y nananaginip

Dahil sa pagdilat ng aking mga mata,
Sumisilaw ang katotohanan na hindi ako ang nasa’yong puso
Sa aking pag gising, ikaw ay kasama nya

Send me the best BW Tampal!

* indicates required