- Umiiyak kang muli
Dahil iniwan kang muli
Dahil nasaktan kang muli
Dahil umasa kang muliHindi dahil sa tanga ka
Tipong sinasabi nilang gusto mo ulit na masaktan kaHindi ba pwedeng matapang ka lang
Yung tipong sumubok ka lang
Sa dami ng nagdaan namanhid ka na lang
Yung takot ay parang wala na langKapalit ng panandaliang saya
Ang matagal na sakit na madarama
Sandali ka lang pala mananatili
Kauting oras lang pala sa iyong piling
Pinahiram sa kaunting sandali
Tapos ang tadhana biglang bumalingNag akala kasi na siya na talaga
Ang papawi sa pait na nadarama
Ang bubuo sa matagal ng sira
Ang kukumpleto sa mga pahina
Ang kulang na magbibigay sayaAyun at bigla siyang nawala
Tila naglaho na parang isang bula
Uso kasi kaya tila maraming gumagawa
Hindi iniisip ang magiging pakiramdam nung tao sa pagkawalaSabi nga sa isang kanta
Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana
Kung ganoon din naman bakit pa kailangan pagtagpuin ang dalawa?
Sakit lang din naman ang idudulot sa isaUso din naman siguro ang magpaalam
Di naman siguro mahirap magsabi ng paalam
Lagyan mo na din ng pasasalamat
Salamat, sa lamat
Current Article: