Paano ba magparaya?
Kung ang tanging gusto mo ay siya,
Paano bang makalimot?
Kung palagi mo siyang nakikita.

Bakit nga ba mahirap magmahal?
Bakit kailangan pang masaktan?
Kung pwede lang sanang puso ay turuan,
Damdamin ko’y pipigilan.

Pilit kong itinitigil,
Sayang nararamdaman,
Pilit kong tinitikom ngiti sa mga labi,
Pero di ko maitago sa mga mata ang katotohanan.

Aasa pa ba ako?
Na may katagang ” TAYO”!?
Kung sa umpisa pa lamang,
Saang anggulo man tingnan ay “TALO.”

Ang saklap lang no???
Ang magmahal ng di ka mahal,
Araw-araw ka na lang aasa,
Sa mga bagay na wala talagang pag-asa.