Magandang buhay jhunelloves!

Kumusta ka na? Masaya ka na ba? Alam ko naman may iba ka na. Pero sana mabasa mo to. Gusto ko malaman mo na minamahal pa rin kita. Hindi nagbabago pagmamahal ko sayo kahit masakit. Mahirap pero kailangan kong tanggapin.

Miss na kita. Nami miss mo rin ba ako? Ni minsan ba naiisip mo na mahal mo pa rin ako kahit konti? Naaalala mo pa ba yung mga masasayang memories natin? Jhunella sa bawat oras hindi ka nawala sa isipan ko. Nasanay na ko na sa bawat oras ikaw ang lagi kong kausap. Kaya naman nung nawala ka, bawat araw, kulang na kulang para sakin. Ang hirap tanggapin na mag isa na lang talaga ako ngayon dito. Mahirap tanggapin na wala ka na talaga. Mahirap tanggapin na nasa iba ka na. Pero kailangan kong tanggapin lahat kahit masakit at mahirap. Ako ang may kasalanan ng lahat. Never thought that these things will gonna turn out this way. Kaya wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko. Masyado akong nagpakampante na hindi mo ko iiwan kaya patuloy kong nagagawa ang mga ikahihirap mo sakin at sa relasyon natin. Sobra kong pinagsisihan lahat. Masyado kitang pinahirapan sa ugali at pagiisip ko kaya humihingi pa rin ako ng pasensya sa lahat ng ginawa kong paghihirap sayo. Sana mapatawad mo pa ako.

Pero wala na kong magagawa. Nangyari na ang lahat. Huli na. Hindi ko pa rin kaya na wala ka na talaga. Kaya kahit imposible, umaasa pa rin ako na bibigyan mo pa rin ako ng pagkakataon makapasok sa puso mo. At kung mangyari man, hindi ka magsisisi dahil makikita mo ang pagbabago ko. Sana ako pa rin ang hanap mo kahit wala ka na. At kung hindi man tayo para sa isa’t isa ngayon, naniniwala pa rin ako na magtatagpo pa rin tayo at mapapatunayan nating mali yon. Jhunella naniniwala ako na ako ang lalaking nararapat sayo. Kaya ngayong wala ka na talaga, wag mo sana kalimutan ang mga sinabi ko sayo bago ka umalis. Na kung babalik ka man, may babalikan ka pa rin. Alam mo naman na sobra kitang mahal kaya hindi ko magagawang maghanap ng iba. Nandito pa rin ako jhunella. Hinihintay ka kahit imposibleng bumalik ka. Sana sa kabila ng lahat hindi maging masama ang tingin mo sakin. Jhunella wag mo ko kalimutan ha. Kung pwede na ulit hindi ako magdadalawang isip na habulin kang muli. Mahal kita segu-segundo, oras-oras, araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan, taon-taon, deka-dekada, habang buhay. Mahal na mahal kita. Imissyou. Iloveyou.