Never the Present
Categories Short Story

Never the Present

There’s one lonely girl na laging options. That’s what she thinks and here’s the story behind…

 

First time niyang sumali sa isang singing contest noong grade school siya at runner up lang siya. Sunod niyang sinalihan ay beauty pageant nung high school siya at 1st runner up pa rin siya. Lahat nang salihan niyang contest, mapadancing o kahit ano pa iyan ay lagi lang siyang runner up.

Ilang beses din siyang naging Super Proxy. Nang minsang umattend siya ng binyagan at hindi makaka-attend ang original na ninang, siya ang maghahawak ng kandila para sa taong iyon pero wala naman siya s birth certificate o sa kahit anumang listahan. Ganundin sa mga birthday party tulad ng debut, nang minsang hindi dumating ang taong nasa listahan at kinailangan ng pang fill sa 18 candles. Walang nang options kaya siya nalang ang tinawag na kasama sa 18 candles. Ito pa, kasalan, may sakit ‘yong bridesmaid na isa kaya siya nalang pinalit buti kasya yung gown.

Libing naman ng lola nila sa probinsya, malayo iyon kaya ang dapat sakyan papunta ay either bus tapos barko o eroplano tapos bus/van. Walang pang eroplano parents niya pero libre sila dahil libre sila ng mga kapatid nila–tita niya/kapatid ng nanay niya. Kasama dapat pinsan niya kaso may exams bawal umabsent, at dahil kaedad niya ito kaya ang ating bida nanaman ang naging option para isama sa eroplano at pinagamit ang ticket pauwi ng probinsya nila.

 

She just takes things positively na “At least, ako unang naiisip para ipalit sa totoong nauna. Ako din naman ang nagbe-benefit.” Pero siyempre at the back of her mind meron pa ding negative impact sa kanya, “Kelan kaya nila ako maiisip unahin sa listahan or kahit sa isip man lang nila.”

 

Nang magka-edad at magkulehiyo, may naging kaklase siyang sugatan ang puso dahil pumanaw ang girlfriend isang semester bago sila nagkakilala. Naging tahimik itong si boylet at moody because of it. At nang makilala siya ni boylet ay bigla ulit itong naging masayahin at madaldal. Bukas naman ang pinto ng ating bida sa mga makikilala niya, kaya nang magparamdam si boylet akala niya ay iyon na. Pero may iba palang gusto at naaliw lang sa kanya ito. Nang magka-girlfriend ulit si boylet ay nandiyan pa rin sa tabi niya ang ating bida. Nagkahiwalay si boylet at ang kanyang girlfriend, kaya sa ating bida siya lumapit para magpacomfort. Alam ko iisipin niyo and rupok ng bida natin. Well, OO isang malaking OO. Hindi natin siya masisisi dahil she has a pure heart to always be there for the people in need of her care. Pero ayun, karupukan niya ay sinaktan lang siya dahil nakahanap ng bagong jojowain si boylet. She’s left as an option. Ngayon, may asawa’t anak na tong si boylet. Never man naging sila ng ating bida, ay tinuring pa din nilang matalik na kaibigan ang isa’t isa. Lalo na sa mga panahong sumakabilang buhay ang ina ng ating bida.

 

Pumasok naman sa eksena ang isa pa nilang kabarkada at kaklase na nakipaghiwalay din sa jowa. Sinubukang makipag-date sa ating bida pero hindi malinaw ang intensyon kung nangliligaw ba o naglilibang lang habang nagmomove on siya. Itong si kuya mo ay nasa tabi din ng ating bida nang pumanaw ang kanyang ina. Pero nang ghosting kasi nagkabalikan na pala sila ng jowa niya. Itong ating bida eh parang manhid at nakipag kaibigan pa din kay kuya mo kahit na sinaktan siya nito. Si kuya mo naman eh parang wala lang ding nakaraan sa ating bida kung umasta, pero ayos nalang siguro iyan. (awit! Pinagtagpo pero hindi tinadhana!)

Ilang relasyon din ang dinanas niya pero rebound pa rin siya. She was the Girl in between the past and future, but she was never the present.

Pagkatapos ng kolehiyo ay nakapag trabaho na ang ating bida, abangan pa ang ibang kabanata ng pagiging option niya.