Anong nangyari? Bakit ngayon andito tayo?
Akala ko nung una totoo na may ‘ikaw at ako’
Teka, ‘di ko alam bakit andito na tayo sa dulo
Biglang nagtapos, nawala ang damdamin, naglaho
Ang mundo nating masaya at makulay
Ngayon malungkot na at puno ng lumbay
Nasaan ka na ba? Yung pangako mo nawala na
Meron pa bang ako jan sa puso mo? O hanggang dito nalang talaga tayo?
May iba na ba? Pwede mo bang linawin muna?
Gulo gulo na ang isipan at biglang nanlamig ka
Anong kulang? Anong naging mali?
Pwede pa bang maayos at mabalik ang dati?
Hindi ko mawari kung ano ang nangyari
Ano bang kailangan gawin para maayos pa sana?
Ang puso ko’y araw araw naghihintay na baka bumalik ka
Tila wala na yatang pag asa kahit paulit ulit kong hilingin na sana
Ang daming katanungan sa isip ko ay naglalaro
Ikaw lang makakapagbigay ng sagot sa lahat ng ‘to
Pero kung wala na talaga masakit man pero paalam na
Mahal, pinapalaya na kita.