Current Article:

“Hindi Na Kita Ma-pu-Pursue, Kasi Aalis Na Ako”

“Hindi Na Kita Ma-pu-Pursue, Kasi Aalis Na Ako”
Categories Relationships

“Hindi Na Kita Ma-pu-Pursue, Kasi Aalis Na Ako”

“Hindi Na Kita Ma-pu-Pursue, Kasi Aalis Na Ako”

Gustong-gusto kita. Gustong- gusto ko kung paano ka ginawa ng Diyos. Everytime na tinitingnan kita sa malayo, I’m wondering kung anung basehan niya para mag come-up siya ng isang katulad mo. I’m very mesmerized the way kung papanu mo ako gawing parang estatwa kapag nakikita ko nang hinahawi mo ang buhok mo kasabay ng hangin. Every gestures of you seems so perfect. You alone is perfect.

Gustong-gusto kita. Gustong-gusto ko kumatok sa pintuan ng bahay niyo habang hawak ang isang bouquet ng roses sa kanang kamay ko at tsokolate naman sa kaliwa. Gustong-gusto kita tanungin kung “pwede ba ako manligaw?” Magpapaalam ako sa parents mo hanggang sa payagan nila ako. Liligawan kita mismo sa harap nila para patunayan lang na malinis ang intensiyon ko. Sa harap ng mga parents mo na may basbas nila at welcome akong umakyat sa baiting ng hagdan ng bahay ninyo.

Gustong-gusto kita. ‘Nung una pa lang, alam kong ayaw mo na talaga sa akin. Hindi kasi ako ang tipo mong lalaki. Hindi naman ako gwapo at ewan ko nga ba kung anung meron ako na kaya kong ipagmalaki sa’yo. Hindi ako pasok sa “Tall, Dark and Handsome” na requirements ng karamihan sa babae. Pa’nu ba naman, maliit kasi ako. Dark naman ako kaso mukhang alanganin ako sa handsome na sinasabi niyo. Pero hands-on ako. Magiging hands-on pagdating na sa’yo.

Gustong-gusto kita, kaso ‘di mo ako gusto eh. Pero ayos lang. ‘Di ba mas nakaka-challenge ang manligaw sa isang babae lalo na’t alam mong wala kang ka-pag-a-pag-asa sa kanya. I mean nasa “Zero Visibility” ka sa lagay ng mga mata niya at wala ka sa “Radar” na masasagap ng signal niya. Pero ‘di ba mas challenging ang manligaw sa isang babae kapag alam mong panghuli ka sa linya ng sampung suitors niya? Ang masaklap, baka pagsarhan ka pa ng pinto ng tatay niya. Pero okay lang, I’m up to the challenges na ilalatag mo, nila.

Kaso, ayaw ko mang sabihin, pero hindi na kita ma-pu-pursue. Hindi na ako makakatapak sa harapan ng bahay niyo at maaaring kumatok pa sa pinto ninyo. Hindi na kita madadalhan ng flowers at chocolates everyday. ‘Di ko na rin sigurong magawa na magpaalam sa mga parents mo na liligawan kita. Wala na ring mangungulit sa’yo na isang katulad ko. Hindi mon a rin mararamdaman kung gaano kalinis ang intensiyon ko para sa’yo.

“Sorry, gustong-gusto kita, pero ‘di na kita mapu-pursue…”

 

 

 

 

 

 

“Aalis kasi ako papuntang “Japan” para paghandaan ang “Lovestory” na ipinangako ko sa’yo.”

 

Photo Credit: Google on Display

Parkenstacker