Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

It’s been a month since we broke up and I still think of you. I always remember how we started as a mortal enemies (kasi laging nagaasaran), thesis buddy, a lovers and then now a strangers with some memories.

Im sorry I know di dapat tayo magiend up sa ganto kung di ako padalos dalos lagi magdesisyon and magsalita. Napagod ka at nawalan na ng gana. Pero advantage na din yun kasi atleast nalaman ko yung sikretong tinatago mo sakin. Even tho alam ko namang ginamit mo lang din yun para Bumitaw na talaga ako.

1st month ng break up natin totoong di na kita masyadong iniisip nun and hiniheal ko na sarili ko after mo akong iwan bago bday ko and umamin sakin sa mga kalokohan mo. Galit pa ako sayo nung mga panahon na yun. Until one day u called my number it was an unknown no. kaya sinagot ko kasi kala ko si papa and yun nangamusta ka and nagkausap tayo. Sa sobrang rupok ko napatawad agad kita and naisipan kong patawarin ka na and give u another chance in life. So ayun nagkakausap na tayo and we became friends again. But then tinamaan na naman ako ng topak ko and may pinagselosan ako na di naman pala dapat at naisip kong may bago ka na kaya blinock kita sa lahat ng accounts ko. Inunblock kita after 5 days and inaway, u explained to me and naniwala naman ako. After nun may nagbago na sa usapan ntin nagtry akong bumawi kasi nakonsensya nanaman ako sa sinabi at ginawa ko. But everything has changed bigla i know nawalan ka na ng gana nun but I’m still trying, trying to reconnect and bumawi ulit sayo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Para na akong tanga nun kasi naghahabol na talaga ako sayo. Naging miserable pa ako kasi lagi na akong nagiinom and di ko na inaayos pagaaral ko.

Nasasaktan kasi ako sa thought na wala ka na talagang feelings sakin and ganun mo nalang ako kabilis kalimutan. I know dat time nawawalan na talaga ng gana sakin.

I know you’re  sick and tired na sa paulit ulit kong pangaaway kahit Wala na tayo and sa paulit ulit kong pagsosorry sayo.

Pagod ka na ding magexplain sakin ng side mo. And now I think wala na talaga at ayaw mo na. Wala ka ng pakelam sakin at sa nararamdaman ko ngayon.  Di naman kita masisisi. I think di ko na talaga maaayos sarili ko. The reason why i did this is to say I’m sorry again.

Sorry. I’m so sorry. I’m deeply sorry sa lahat lahat ng mga maling nasabi ko sayo noong tayo pa. Im so sorry sa pang gugulo ko sayo ngayong wala na tayo. Nasaktan nanaman natin ang isat isa. Siguro nga di talaga tayo para sa isat isa. Kasi everytime na maging maayos tayo or magawa ko ng maayos tayo bigla ko din namang sisirain dahil sa topak ko. Sorry.

This time pinapalaya ko na sarili ko sayo. Pinapalaya ko na sarili ko sa memories nating dalawa. Pinapalaya na kita ng husto. Masakit pero kailangan tanggapin. Alam ko sa sarili kong gusto pa kita at ikaw padin ang gusto ko wala ng iba. Nagsinungaling ako na wala na akong gusto sayo. Kasi yun yung pilit na pinapaniwala sakin ng utak ko. And then nung nalaman kong may iba kanang gusto at first oo wala talaga akong pake and then nung nababasa ko na mga tweets mo i realised na puta di ko pala kaya. Ansakit padin pala. Bakit ganun? Kala ko ok na ako. Kala ko lang pala. Pati sarili ko naloko ko din pala. I miss you and I still want you selfish man pero gusto ko sanang akin ka parin and akin ka lang. Pero wala nanaman na ako magagawa kung sa iba ka na sasaya diba? I want you to be happy kaya lalayo na talaga ako. Kung san ka naman masaya ay masaya na din ako. I want u to be happy kahit wala na ako sa picture. Sana patawarin mo ako mga harsh na sinabi ko sayo. This is my confession of my feelings for you. And I’m so sorry dahil ginulo ko ang buhay mo. Pero atleast patas lang tayo. We are both miserable but mas malala ako. I don’t think i can fix myself for you anymore. Maliban sa pagsosorry kong paulit nais ko ding magpasalamat sa lahat ng mga nagawa and naituro mo sakin. Naging masaya ako sayo at hindi Kita makakalimutan. Andami kong natutunan sayo at sa relasyon nating to. Salamat. Sana maging masaya ka and maging masaya na din ako.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required