Tama Na, Ayoko Na.
Categories Relationships

Tama Na, Ayoko Na.

Sapat na siguro na nasabi sa iyo ang lahat-lahat.

Sapat na rin siguro ang mga sakit na aking dinanas.

At siguro sapat na ang mga araw ng aking pagpapakatanga.

Ang swerte mo naman kung ii-extend ko pa, diba!?

Di ako deadline na pwede mong i-extend.

Di rin ako load na pwedi mong i-unli, na kahit magdamag pwedi mong gamitin hanggang sa magsawa ka nalang.

Tao akong may nararamdaman.

Tao akong nagsasawa din naman dahil paulit-ulit nalang na nasasaktan.

Oo, tao ako.

Pero hindi ako taong parang nasa lansangan na hihingi ng iyong atensyon kung ikaw ay may pagkakataon.

Hindi ako taong kalye na nabubuhay na parang walang nangyari.

Kahit nga siguro taong may sira ang ulo nasasaktan kung iiwan mo.

Ako pa kaya na sa tuwid ng aking utak, di ko napapansin na unti-unti na pala itong nawawasak.

Mali ba na ikaw ay aking minahal?

Mali ba na ikaw ay aking hinangad?

Mali ba na ikaw ay aking pinangarap?

Mali ba?

Kung mali man ako, okay lang.

At least nalaman ko maaga pa lang.

Maaga akong nagising sa katotohanan, na kahit anong pilit kung ikaw ay maging masaya, iba talaga.

Kahit na ako’y magpakatanga, wala talaga.

Dahil alam ko sa sarili ko, hindi ako ang taong tunay na magpapasaya sa’yo.

Hindi ako ang taong hinahanap-hanap ng iyong puso.

Hindi ako ‘yong taong tunay na magpapaligaya sa’yo.

Kaya tama na.

Hahayaan na kita.

Umalis ka na at wag ng babalik pa.

Dalhin mo lahat ng pighati at masalimuot na ala-ala.