Sige lang.
Categories Relationships

Sige lang.

Bawat tao sa mundo hanap yung perpekto,
Mapa tao, Bagay, o kung ano pang pwede,
May makikilala tayong tao na
Magbibigay buhay at kulay sa ating mundo,
Taong hindi mo na maiisip yung
perpektong konsepto,
Dahil nung nakilala mo sya, natuto kang makuntento,

Pero may mga tao din namang tila ba ginawang libangan ang masaktan,
Iiyak, magmu move on, magmamahal, sasaya, iiyak na naman, paulit ulit na lang.
Paano ba nangyari yun? Paanong sa kabila ng sakit na dinanas nila sa kahapon, parang hindi pa sila natuto, nauuwi sa iyak dito iyak duon.

Minsan naisip ko sobrang lungkot ng buhay nila. Laging basag ang puso, sakit ng damdamin at luha ginagawa nilang hangin at dumadaloy sa kanilang sistema,
Naisip ko, salamat sa diyos dahil kahit na mag isa ako, ligtas naman ako sa luha ay kalungkutang hatid ng pag ibig na yan.

Lumipas ang panahon, nagmahal ako.
Nasaktan,
Umiyak,
Umasa,
Nagmahal muli, nasaktan at umiyak ulit.
Paulit ulit.
Paulit ulit.
Ilang beses akong pinagsabihan ng mga mahal ko sa buhay,
“ tangina tama na! “
“Magtira ka naman sa sarili mo”
“Di mo deserve yan”
“Sumaya ka naman”
At marami pang iba.
Tila ba hinahanap hanap ko yung sakit.
Ayaw kong masaktan pero ayos lang,
Ayaw kong umiyak pero sige lang,
Napagtanto ko na, kaya pala..
Kaya pala ayos pa,
Kaya pala sige pa,
Dahil tao din ako.

Minsan ang tao, kahit na masakit gagawin pa din.
Dahil gusto nating maramdaman na nakakaramdam pa tayo, na buhay tayo, na kaya nating magmahal pa, at kayang nating gawin lahat para sa taong mahal natin,
Kahit na luha man ang maging kapalit.

Walang kahit na sino ang makakatakas sa hagupit na hatid ng pagibig. Tila bagyo sa lakas na magugulo buong buhay mo,
Tila buhawi na liliparin ka papunta sa sitwasyong ayaw mo,
tila malakas na ulan na kahit na sobrang iyak mo na, may ibubuhos pa.
PAG-IBIG.
Minsan masaya,
Minsan masakit,
Parang nag bato bato pick.
Swerte ka ngayon, malas ka bukas,
Siguro balang araw makikilala natin yung taong para tlaga sa atin.
Yung kahit na dumaan ang ilang bagyo,
Handang hagkan ka, pupunasan mga luha, tanggap ka, mahal ka, sa kabila ng lahat ng “kahit na”.
Yung taong pahihintuin ang mundo mo sa isang tingin, ipaparamdam sayo na anjan siya sa tabi mo kahit na hindi ka perpekto.