Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kumusta ka kaibigan?
sana okay ka lang at sana masaya ka.
Yan yung bagay na gusto kong itanong,
sa tuwing mahuhuli mo akong nakatitig sayo.
Gusto kong pakalmahin yung sarili ko,
sabihin na tama ako.
Tama ako na hindi na umamin.
Tama ako sa pagsuko sa nararamdaman.
Tama ako na hindi ako ang tama para sayo.
Gusto kong magtanong at gusto kong malaman,
kasi kung minsan sa tuwing tinitingnan mo ko,
may kung ano sa mata mo na nagsasabing,
kailangan mo ako.
Na mas masaya ka kung ako ang kasama mo.
Na mahal mo rin ako,
at hindi mo ko gustong mawala.
Minsan oo minsan hindi.
Minsan tama minsan mali.
Isa kang malaking palaisipan,
na pagod na akong pag isipan.
Sa piling mga kaibigan aking inilahad,
yung istorya ng ikaw at ako,
at ang sabi nila SAYANG,
“sana sinabi mo sa kanya,
baka gusto ka rin nya,
at kung hindi man,
ang mahalaga wala kang pagsisihan.”
Pero alam mo kung ano ang mas sayang?
Na maari ngang yung damdamin ay nagtutugma,
ngunit hindi ang tadhana.
Yung malaman mong mahal ka din,
pero hindi ka nya pwedeng piliin,
at hindi ka kayang ipaglaban.
Sa sobrang kilala kita alam ko..
mas uunahin mong mag isip,
mas uunahin mong tuparin ang mga pangarap,
mas uunahin mo kung ano ang tama,
mas papakinggan ang utak kesa sa puso.
Alam ko na sa huli andun ako,
at hanggang doon lang ako mananatili,
sa lilim at mananatiling lihim,
kung saan mayroong TAYO.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required