Pasensya, di ako Marupok
Categories Friendship

Pasensya, di ako Marupok

Late night convos? Check

Chatting while texting? Check

Blushy and Heart emojis? Check

Tagging memes? Check

 

Tapos, close friend lang tayo? YES!

 

Araw araw tayong magkausap. Paggising ko sa umaga, chat head mo agad ang unang nagpopop. Mag iinform na nakatulog na kagabi kaya di na nakareply at simula na naman nang buong araw na kakwentuhan ka. Dramahan… Bullyhan… Tawanan… At payuhan…

Marami akong natutunan sayo. Tinuruan mo akong buksan ang buhay ko ulit sa mga tao. Pinakita mo sa akin na di ko kelangan ifilter yung mga problems ko para lang tanggapin ako. At higit sa lahat tinulungan mo akong mapalapit sa Kanya–di mo ako pinapakinggan sa aking mga problema kung hindi ko pa ito nasasabi sa Panginoon.

 

Ikaw ang “Hero without a cape” ko at ako naman ang “Main Support” mo. At di maikakailang naging importante kana sa buhay ko.

 

Pero… Hindi ko hinayaang wasakin ang templong binuo namin nang Panginoon para protektahan ang puso ko. Hindi ko hinayaang lamunin ako nang emosyon ko at magpadala dito. Hindi ko hinayaang mahulog ang loob ko sayo. Kasi hindi natin gugustuhing maglaho ang pagkakaibigan natin dahil lang sa hindi siguradong damdamin.

 

Nilabanan ko ang aking emosyong malapit nang mahulog sayo. Sorry, kung di ako sumuko sa nararamdaman ko. Mas pinili ko lang kung saan kita makakasama nang mas matagal at doon yun sa apat na sulok nang ating pagkakaibigan. Pasensya, di ako marupok.