Hindi payong ang kailangan ko.
Categories Relationships

Hindi payong ang kailangan ko.

Madilim na naman ang langit. Nasan kana kaya? Sino kaya ang iyong kasama. Naaalala mo pa ba nung tayo pa? Na sa tuwing umuulan eh tinatago ko yung payong ko para maghati tayo sa payong mo. Naaalala mo pa ba na sa tuwing umuulan eh yakap kita. Nakakalungkot lang isipin. Na hindi na ako ang kahati mo ng payong sa tuwing umuulan.

Okay lang ako dito. Nanlalamig minsan pero pinipilit paring lumaban. Nahihirapan pero pilit paring lumalaban. Minsan di ko na alam kung tama pa ba tong ginagawa ko. Na naniniwala parin ako na matatapos din tong ulan na to sa puso ko.

Sana sa susunod na ulan eh ako na ulit ang kayakap mo. Sana sa susunod na ulan eh ako na ulit ang kasama mo. Sana sa susunod na ulan eh ako na ulit ang katabi mo. Hindi payong ang kailangan ko sa mga maulang panahon na to.

Pagmamahal mo ang tanging kailangan ko.