Saan ba ‘to patungo
hindi ko na kasi alam…
mga katagang ang hirap pakinggan
o diba pati ikaw kinanta mo din naman…
Mga liriko sa isang kanta
na kay lungkot pag aking naulinigan…
Parang pag-ibig ko sayo
di alam kung may patutunguhan ba?
Sa bawat umaga na ating puntahan..
kahit may tampuhan o simpleng araw lang.
At sa bawat hakbang ligayay nakakamtan,
ng mga paa ko sa lugar ng ating takbuhan.
Sa paghabol sa iyo, habang ikay papalayo,
lilingon kapa ba para masabing akin ka?
Kaya minsan tuloy aking ding npagtatanto,
kung saan nga ba ito patutungo pa?
- Ngunit sa tuwing ikay humihinto,
puso ko’y may galak at naninibugho
pagkat saan man tayo patungo
makasabay ka lang ay kaysarap matamo .