Simula, Gitna at Katapusan
Categories Confessions

Simula, Gitna at Katapusan

Simula, Gitna at Katapusan

Simula nang aking Umaga Ikaw Ang laman ng isipan.

Dumapit man Ang magHapon Hindi ka nawaglit sa kamalayan.

Bubungad man sa kawalan Ikaw lang Ang syang tinatanawan.

Taya ko ngang pagsinta mukhang wala Ng katapusan.

Pagkat sa Araw- Araw na nagdadaan sigurado Akong Ikaw lang.

 

Ngunit dumating Tayo sa Gitna ng Sugalan.

Tumaya Ng walang kasiguraduhan .

Ibinuhos Ang lahat at walang itinira sa laban.

Ngunit sa sugalan Ikaw ay paglalaruan.

Nang hindi mo inaasahan.

Ikaw ay uubusin ng hindi mo namamalayan.

Hanggang sa mapapaisip ka nalang bakit ka nga ba pumasok sa sugalan.

 

Kaya sa huli Ikaw ay darating sa dulo’t katapusan.

Isipin mo mang gusto mong manalo sa laban.

Kahit kaya mong lumaban ngunit kung Hindi Ikaw ang inilaban.

Ang sinimulan mong laban Iyo ng lagyan ng katapusan

At isalba ang puso sa nag aambang kapaitan.

– Luna