“Baybayin”
Categories Poetry

“Baybayin”

Ako’y may isang hangarin,

Umaasang iyong diringgin,

Na sana’y iyong mapansin,

Ito’y aking samot dalangin,

Hindi ba nahahagip ng iyong paningin?

Alam kong sadyang mahirap intindihin,

Sino nga ba ako para iyong pansinin?

Na ang tulad mo’y hamakin,

Ngunit hindi mo ba napapansin?

Panunulat na tila kakaiba sa paningin?

Bakit di mo subukang basahin?

Mga katagang “mahal kita” na naka sulat sa baybayin.