Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa maraming dahilan, bakit ka tahimik?
Limitado ang kayang sabihin, pabulong pa kung umamin
Kabaligtaran ng nararamdaman, sa likod ng mga dapat sandalan 

Bakit ka tahimik?

Bakit hindi mo sabihin ang mga salita
Kung gano ka nasasaktan at umaasa

Bakit ka tahimik?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Isang tanong upang ang maskara ay mawaglit
Simple lang naman diba?
Bakit hindi sabihin?
Simple lang ba?
Parang kapos ka sa hangin

Ano kaba talaga?
Isang produkto ng kung ano ano at sino
Sa labas, bubulong, bakit ka ganito?
Bakit hindi ka sila?
Bakit ka tanga?

Muling nagtanong, bakit ka tahimik?

Nahulog at nahulog sa mga imahinasyong hindi naman para sayo
Lumubog ng lumubog at ilulubog pa para malunod sa sagot na hindi maamin
Sisisid sa mga salitang hindi masabi
Malulunod sa mga bagay na hindi nangyayari

Bakit ka tahimik?

Dahil ba sa huling beses kang nagsalita nasaktan siya?
Dahil ba sa huling beses mong nilahad pumikit ka?
Dahil ba sa huling beses mong binulong tulog sila?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required