Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Gusto kong sabihin na salamat at bumalik ka. Gusto kong sabihin na salamat dahil naalala mo pa lahat. Lahat lahat.

Gusto kong sabihin na salamat dahil naramdaman mo pa rin yung pagmamahal mo sa akin.

Pero gusto ko sabihin sayo na, huli na ang lahat.

Huli na ang lahat dahil masakit pa rin.

Huli na ang lahat dahil di pa rin magaling.

Huli na ang lahat dahil andito ka pa rin.

Andito ka pa rin, 

Andito ka pa rin dahil hindi ko naman sinubukan na tanggalin.

Andito ka pa rin dahil ikaw lang ang gusto kong mahalin.

Andito ka pa rin dahil mahal ka pa rin.

Mahal kita mawala man ang lahat ng sakit.

Mahal kita kahit tuluyan ng gumaling.

Mahal kita dahil andito ka pa rin, bumalik ka.

Pero,

Ayoko na kahit mahal na mahal pa rin kita.

Ayoko na kahit masakit para sakin na ayawan ka.

Ayoko na dahil nakakatakot na.

Ayoko na kahit sabihin pa sa akin ng mundo na ito na ang huli.

Ayoko na, ito na ang huli.

Paalam mahal ko.

Paalam sa pinaka paborito kong tao.

Paalam sayo, salamat at ikaw ay bumalik.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required