Sana ‘di na lang kita nakita
Sana ‘di na lang kita nakilala
Sana noon pa ma’y pinigilan na
Sana hindi na inamin pa
Noong nakatabi kita wala akong nagawa
Kundi yumuko at hindi nagsalita
Puso ko’y tumalon na lang bigla
Nang pinansin mo ako na may sigla
Lumipas ang panahon at tayo’y naging magkaibigan
At hindi nga naiwasan ang mga tampuhan
Sa kabila ng lahat tayo’y nagkaayos pa rin at nagtawanan
Ngunit isang araw nawala na lang lahat nang biglaan
Inamin nga sa’yo ang nararamdaman
At bigla mo akong iniwan sa daan
Puso ko’y unti-unting binabanlian
Ng luha at sakit na hindi ko inasahan
Bakit ba kasi inamin pa sa’yo?
Bakit ba kasi pinagpilitan ang sarili ko?
Bakit ba ikaw pa?
O, bakit ba?