March 15, 2019
————
E,
Hi! Hindi ko alam kung paano ‘to sisimulan. Ang alam ko lang, sasabihin mo nanaman na ang corny ko. Sorry na agad. ‘wag mo muna ihinto pagbasa mo, malalaman mo (siguro) kung bakit ko ‘to ginawa. Paki appreciate na lang, kahit ito lang.
First draft ko ng letter na ‘to, tinry ko i-elaborate or balikan mula umpisa (2010), pero ang hirap kasi sobrang daming nangyari, lalo ka lang tatamarin magbasa.
Una sa lahat, salamat. Salamat kasi naging malaki yung part mo sa buhay ko, 9 years eh, 9 years kitang minahal. Alam kong hindi mo masusuklian ng same kind of love pero oks lang. Ang dami na nagbago pero andito pa rin tayo. Masaya ako kapag kasama ka. Masaya ako kapag napapasaya kita kahit sa simpleng bagay lang. Kagaya nung sa QC Circle, saya mo nun, perstaym mo eh. Balik tayo next time pag free ka. Sabihan mo lang ako.
Ang purpose kasi talaga dapat nito is goodbye letter. Pero ‘di ko naman kasi kayang mag goodbye sa’yo. Marupok eh. ‘Di kita matiis. Tanga eh. So, ba’t ko pa lolokohin sarili ko diba? Lecheng yan.
I know na after this may magbabago. It’s either iiwas ka, lalayo ka, mang siseenzone ka or baka iunfriend or block mo ako. Ready naman ako dun. Niready ko yung sarili ko para dun, ginusto ko ‘to eh.
Alam ko na sasabihin mo, na ang drama ko. Wala eh, may kaibigan kang emo.
Sorry kung may mga bagay akong nagagawa na ayaw mo, mga salitang nabibitawan na nakaka degrade sa’yo. Sorry kung minahal kita nang higit pa sa kaibigan noon. Ngayon parang bumabalik pero kaya ko namang labanan na. Nag mature na eh. Hahaha! (Naiiyak ako, shet!) Happy na akong kaibigan lang yung kaya mong ioffer, mas tatagal tayo sa ganito eh. Sobrang tagal ko nag antay sa’yo kaya tinigil ko na. Actually, long overdue na nga e. Nakakapagod kasi. Inisip ko na lang na I’m too good for you. Haha! Kung magbago man yung isip mo, na kaya mo na akong mahalin nang higit pa sa kaibigan, willing naman ako mag adjust. Cheret! Hahaha!
Thank you for lending your ears whenever I have kwento na walang kwenta. Thank you for sharing some of your stories. Thank you for the rides and sa paghatid pauwi using Ogie the pogi. Thank you kasi kinakaya mo kahit ang bigat ko. Hahaha! Basta thank you sa lahat. Sabi nga nila, “The only constant thing in this world is change”, pero sana kahit ano mangyari, wag tayong magbabago, may magbago man, yung bad habits na lang natin. Oy! Naiiyak ako habang sinusulat ko ‘to, ba’t ko ba kasi naisip to. Hahaha!
Nandito lang ako for you. Anuman maging desisyon mo sa buhay, support kita. I-keep mo man yung friendship na meron tayo ngayon or or itapon na lang. Punitin at itapon mo man ‘tong letter na ‘to or itabi mo for future references. Ka-cornyhan lang naman ‘to for you. Hindi man ako sobrang ready sa mangyayari, kakayanin ko maging ready, need eh. ‘di ko man alam kung ano mangyayari pero isa lang ang sure ako, yun ay ang may magbabago talaga.
Ayun lang, marami pa akong gustong sabihin pero masyado na ‘tong mahaba. To more foodtrips, roadtrips, side trips with you and Ogie in the future (sana).
Labyu, besh!
“’Di lahat ng may i love you eh love story na.” -Sid and Aya, 2018
M, 2019