Lahat ng tungkol sayo, nakalimutan ko na.

Ang tawa mo

Ang boses mo

Ang salita mo

Hindi ko na marinig sa diwa ko ang tunog mo.

 

Lahat ng tungkol sayo, kinalimutan ko na.

Ang muka mo

Ang ngiti mo

Ang tingin mo

Hindi ko na makita sa isip ko ang itsura mo.

 

Lahat ng tungkol sayo, nakalimutan ko na.

Ang lakad mo

Ang tayo mo

Ang kilos mo

Hindi ko na maaninag sa alaala ko ang ayos mo.

 

Lahat ng tungkol sayo, nakalimutan ko na; bukod sa isa.

Ang PANGALAN mo.

Na sa tuwing nababanggit ay naaalala ko ulit

Ang pinaka mahalagang bagay na dapat ay nakalimutan ko na- sakit.

 

Oo, hindi na kita naalala

Ngunit ang SAKIT na iyong ipinadama

Ay patuloy paring mananatili sa aking ALAALA.

Hindi na kita naaalala.

Hindi na.

Pangako, hindi na.