Pansin mo ba?
Pansin mo ba ang aking tawa pag kasama kita?
Pansin mo ba ang kislap saking mata?
Dinig mo ba ang tibok ng puso ko pag kausap na kita?
Pag kasama kita,parang langit ang nadarama
Tuwing napapanaginipan ka,parang ayoko nang magising pa
Mahal na yata kita ay hindi Mahal na talaga kita.
Sana minsan naiisip mo rin ako
Sana naaalala mo rin ako
Sana Pareho rin ang tibok ng ating mga puso
Sana ikaw sa akin at ako’y sayo
Hiling ko sana’y bigyan ng pansin
ang aking namumuong damdamin
Pangako pag ibig ko sayo’y di mag mamaliw
Ikaw lang ang mamahalin,Giliw