Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nakilala kita sa eskwelahan at ika’y aking naibigan,
araw araw sa loob ng paaralan ,
ikay aking nasisilayan
saya koy walang paglagyan.

Isang araw loob koy nilakasan,
pag-ibig ko sayoy pinaalam..
inamin kong ikay minamahal.
akoy nangangamba baka akoy mapahiya,
di mapakali baka pag-ibig koy mabaliwala.

Isa,dalawa,tatlo.
tatlong araw bago mo sinagot ang liham ko
laking tuwa ko ng mabasa ko na mahal mo din ako,..

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Isa,dalawa,tatlo…
tatlong buwan naging masaya tayo,
pagkatapos ay unti-unti kang nagbago,
nanlamig at biglang naglaho..
iniwan mo ang puso kong nagdurugo,
walang paalam,walang paliwanag kung
paano
paano mo nagawang saktan ako?
paano mo nagawang lumayo?
mahal ko,akoy nangungulila sayo.

Isa,dalawa,tatlo hanggang umabot pa ng sampo.
sampong taon ang mabilis na tumakbo,
ako ngayoy nakalimot na sayo,
masaya,payapa at nakahanap na ng bago.
ngunit tadhana ay sadyang mapaglaro,
tayo ay muling pinagtagpo,
nagkita,nag usap at nagkasama ulit tayo,
ramdam kong nayanig ang mundo ko
may kung anong kumirot sa puso ko..
paulit ulit kang nagsusumamo
upang ikay patawarin ko.
marupok talaga ang puso ko
dahil ikay napatawad ko.

Isa,dalawa tatlo.
tatlong buwang magka ibigan tayo
hanggang sa ikay nagbago
sinabing akoy iniibig mo.
tanong ko lang ito bay isang laro?
o isang patibong sa marupok kung puso,
ramdam kung akoy my pagtingin pa rin sau
ngunit akoy di na sigurado sa pag-ibig na alay mo..
masaya ako sa pag-ibig mo,
sobrang saya ng puso ko,
ngunit ayaw itong tanggapin ng isip ko.
masakit man sa loob ko,ikay tinalikuran ko,
di ko tinanggap pag-ibig na galing sayo,
mahal ko,akoy patawArin mo.
ngunit hanggang dito nalang ang pag-ibig ko sayo…
isang beses ay sapat na para maparamdam kung mahal kita,
isang beses ay sapat,sapat na para di na umasa at masaktan pa..
ganunpaman
salamat aking mahal,
salamat sa sa last.minute na pagmamahal,.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required