Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Akoy sobrang nasaktan nung akoy kanyang iniwan
Hindi ko na nga alam kung anu ang aking patutunguhan
Kaya nga minsan sa tula ko nalang dinadaan
Upang sakit ay mabawasan

Dahil sayo Habang tumatagal nakakaya ko na
Wla sya saking tabi ay ok na
Pangako nyay limut ko na
Kase nga tanggap ko na

Mga ngiting abot gang tengga
Sama mo pa ang nagniningning na mata
At gaan ng nadarama ay natamo ko na
Mula nung nakilala kita akoy nakalaya na

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Natutunan kong mahalin
Ang Sarili ko na datiy limut ko nrin
Natutunan ko na ring harapin
Problemang dating tinataguan ko rin

Pinagtapo tayong parehong nasaktan
Parehong nawalan
Parehong naiwan
At parehong nagmahal ng lubusan

Balikan natin yung araw kung pano tayo nagkakilala
Nabangga mo ako dahil sobrang tutok ka sakanya
Di mo napansin may pila pala
Ako naman salita ako ng salita akala ko may kausap pa iniwan na pala
Ayan magisang pumila

Kalimutan na dahil hindi talaga yun ang storya
Nabasa ko lang sa may mangga
Ibubuod ko nalang para mas masaya
Eto makinig ka

Matalino si meetme para tayong posporo ngmatch tayo
Parang instant noodles in a instant way naging magkaibigan tayo
Sa sobrang bilis ng pangyayari Di namamalayan nahuhulog na ang loob ko sayo
Ooops patay tayo

Destiny ikaw na ba to
Kase gusto ko ay eto
Yung totoo
Yung walang halong biro

Ikaw ung nasilbing daan
Kaya syay nakalimutan
Laking pasalamat ko dahil akoy iyong tinulungan
Kaibigan kong maaasahan

Ambilis ng panahon . Kasimbilis ng pagdating mo
Sana kasalungat to ng pagalis mo
Sana Wag kang lumisan
Tulad ng ginawa nya sakin
Kase sawang sawa na akong masaktan

Send me the best BW Tampal!

* indicates required