‘Wag kang maingay!

‘Wag kang maingay! Ssshhh…
Kahit parang gusto nang kumawala ng feelings mong sobrang intense para sa kanya.

‘Wag kang maingay! Ssshhh…
Kahit gusto mo ng ipagsigawan sa buong mundo na mahal mo siya.

‘Wag kang maingay! Ssshhh…
Dahil baka makabulabog ka sa relasyon ng dalawang taong nagmamahalan.

‘Wag ka na lang maingay! Ssshhh…
At patuloy mo na lang siyang mahalin ng walang inaasahang kapalit.

‘Wag ka na lang maingay! Ssshhh…
At tanggapin mo na lang ang mga bagay na kailanman ay ‘di na mangyayare pa.

‘Wag kang maingay! Ssshhh…
Tahan na… tama na…
Sa lahat ng sakit at bakit.

‘Wag kang maingay! Ssshhh…
Para ‘di magising
Ang natutulog at nagpapahingang pusong nasawi.

tulaan ni juprey mangrobang
hiram na larawan kay Kat Jayne