Salipawpaw

49

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Isa kang salipawpaw sa himpapawid na lilipas din sa aking langit
Ang iyong ingay ay ‘di lamang tinig kundi isang awit
Ngunit ang iyong pagdaan ay hindi ko lubos mabatid
Naparito ka ba upang magsundo o maghatid?
Sa lawak ng kalangitan, sa tanaw ko pa napadaan
Dampi ng dala mong hangin sa aking balat ay hahayaan
Init o lamig man ang aking mararamdaman,
Dala nitong kirot ay tagos hanggang kalamnan.
Ang iyong paggalaw ay matulin at papalayo
Tulad ng isang malakas ngunit kalmadong bagyo.
Patuloy pa rin ang paglalakbay sa harap ng araw at ng buwan
Mumunting ala-ala sa akin ay maiiwan.

Abril 19, 2021, 11:44 ng gabi