OPTION mo lang Pala!
Categories Relationships

OPTION mo lang Pala!

Hindi ko akalain na kagaya ka ng iba kung mga nakilala, yung Option lang Pala ako nila at sa huli iiwan akong naka nganga..kasi Akala ko iba ka yun pala katulad ka din nila.

 

Ang saya sa Pakiramdam kapag may nakilala kang isang tao na kaya kang Pasayahin kahit sa chat lang kahit hindi mo siya nakakausap sa personal yung tipong walang ending ang pasahan ng Mensahe niyo sa Messenger pag online kayong pareho at kahit Gabi na ay hindi parin inaantok dahil hindi matapos tapos ang usapang walang dulot kundi kasayahan.

Ikaw kasi yung tipo ng tao na di ko Ginusto nung una pero habang tumatagal ay nagiging special na sa tulad kong takot ng Umasa.

Ngunit ako’y sobrang nasayahan ng sinabi mong ako’y iyong nang nagustuhan at nais mong magkaroon ng tayo pero ika’y aking tinanggihan dahil takot nga ako na baka sa huli ay maging Option mo lang.

Sa aking ginawa ika’y hindi na nagparamdam ngunit puso ko’y hindi na mapigilan kaya inamin ko rin sayo ang aking labis na Paghanga sa katulad mo.Ngunit hindi pa ako handang maging tayo kasi Gusto kong masiguro kung Tunay ba ang mga salitang binitawan mo at Gusto pa kitang makilala ng lubusan hindi lang sa social media kundi pati na rin sa personal, sabi mo ok lang handa ka namang maghintay kaya umasa ako na sa huli ay Magiging tayo.

Pero habang tumatagal para bang may nagbago hindi ka na tulad ng dati na laging nagchachat at ako’y pinapasaya at hindi na rin kasing bilis ng kidlat ang pagreply mo sa mga message ko at tila bang my iba ka nang pinagkakaabalahan.Ngunit inintidi kita kasi nga baka my importante kang ginagawa at baka Pagod ka lang.

Patuloy kitang inintindi hanggang sa huli aking nalaman na ikaw pala ay my iba nang ginugusto at hindi ako.Ano to?totoo ba to?bakit palagi na lang ganito? Option mo lang ba talaga ako?Mga tanong ko sa sarili ko.

Tinanong kita pero hindi ko sinabing my nalaman ako.Tinanong kita kung kaya mo pa bang maghintay? Kasi ok lang naman kahit my iba ka nang Gusto kahit sa loob loob ko ay sobramg sakit nito pero Oo naman palagi yung sagot mo.Umasa akong sasabihin mo yung totoo kahit masakit tatanggapin ko naman eh kaso Grabi ang sinungaling mo,Ang galing mong umarte.

Pero ayaw ko ng ganito kaya mas mabuti siguro na iwasan na kita at sana hindi na din kita makita.kasi akala ko ikaw na yung taong hinihintay ko,yung taong papahalagahan ako,yung taong ako lang yung Gusto at hindi OPTION mo lang Pala.