Current Article:

Hindi ako kabilang sa henerasyon na to

Hindi ako kabilang sa henerasyon na to
Categories Poetry

Hindi ako kabilang sa henerasyon na to


 





Sa panahon ngayon, kung san naglipana na ang mga instant at mabilisan
Wala ng kabataang marunong magtiis at mag antay ng matagalan
Sa panahon ngayon, hindi na uso ang mahabang prosesyon
Kasi ang mga kabataan ngayon kakaiba na ang transaksyon
Pag tumigin ka, akin ka
Wag kang lilingon, baka ibigin kita
Isang wave lang at tayo na
Iba na talaga ang panahon ngayon
Di ako nababagay dito
Kasi mas nanaisin ko pang mabuhay sa nakaraan kesa masaksihan ang di kaaya ayang kasalukuyan

Hindi ka dapat ginaganto ng modernong panahon
Sa haba ng pila ng mga taong nagkalagusto sayo
Mas nanaisin ko pang pagmasdan ka mula sa malayo
Panoorin silang lahat na ialay ang lahat
Samantalang ako nag aabang at nag iintay kung kelan ba ito dapat ipagtapat
Kasi hindi ka pwede sa panahong ito
Mariposa sa mata ng iba
Dyosa naman sa paningin kong nais na mabihag ka
Hindi ka dapat dinadaan sa makabagong tugtugin
Sa mga paandar na hindi naman nakakatuwang pansinin
Mga lalaking walang tigil sa kakatingin
Mga pangako nilang parang bulong sa hangin
Mga deliwenteng kalalakihan na sa kama ka lang nais dalin
Yan ang di ko kayang gayahin
Dahil para sayo
Buo ang aking damdamin
Matino ang aking panalangin
Na balang araw makakasama din kita sa paraiso kong hardin

Lahat ng bagay dapat idaan mo sa mahirap na paraan
Kahit na mapahirapan tuloy padin sa paglaban
Paghihirapan kita
Kahit na ako’y sobra ng mahirapan
Paghihirapan kita
Para lang mahawakan ko ang iyong mga kamay
Paghihirapan kita
Para bandang dulo ikaw ay mayakap at mahagkan ng sobra
Titiisin ko ang tagal ng panahon
Para lang ipakita sayo na iba ako sa makabagong panahon
Hindi alintana ang tagal ng lakad oras
Dahil bawat minuto ang lumilipas
Ay alam kong nalalapit nako sa pangarap kong landas
Makuha ang matamis mong oo
Makilala at makasama ang pamilya mo
Ipagmalaki ka sa lahat ng tao
At sabihing eto ang dalagang iniibig ko at dapat maiinggit kayo
Sa pamamagitan ng paghihirap ko
Sa tagal na panahon na maantay ko
Sana nandyan ka pa para makita mo ang buhay na nais kong ialay sayo