Selfless.
Categories Relationships

Selfless.

Nasa punto ako ng buhay ko na lahat isusugal ko para sa taong nasa paligid ko, lalo na kung kaibigan ko at lalong lalo na sa taong mahal ko.

Onti-onti akong naliliwanagan na kapag selfless ka, dapat handa kang walang matanggap pabalik. Ginusto ko namang sumugal, ginusto ko naman gawin yun, kaya dapat handa akong walang matanggap pabalik.

Nasa estado ako ng buhay ko ngayon na hirap ako sa sarili ko. Bakit? Kasi sobrang selfless ko na. Binibigay ko na lahat lahat to the point na kahit wala akong natatanggap pabalik, bigay padin ako ng bigay.

Bigay ng effort, love, and attention. Alam kong sobra sobra yung binibigay ko sa taong mahal ko pero di ako humihinto sa pagbibigay kasi alam kong deserve niyang mahalin tulad ng ginagawa ko. Binibigay ko lahat, problema wala na natira sakin. I got no love left for myself. Kahit anong gawin niya, kahit siya yung may kasalanan; iintindihin ko padin siya. Di ko alam kung anong klase akong tao na kayang umintindi ng ganito. Di ko alam kung pano ko to nagagawa. Di ko alam kung pano ko kinakaya na hayaan kong apakan ako ng pagkakamali niya at aayusin ko padin siya. Di ko alam kung pano ako nakakatulog sa gabi na ganito ang pakiramdam. Yung pakiramdam na mahal na mahal mo yung boyfriend mo pero sarili mo hindi.

Bigay ng kung anumang kailangan ng tropa. Sa kanila, alam kong may nahihirapan sa acads kaya willing akong tumutulong. Di ako humihingi ng kapalit. Pero nasasaktan ako kapag tumutulong ako tapos di nila tinutulungan sarili nila. Yung puro ako nalang. Kaya kung sinumang tropa ko ang makakabasa nito, galaw galaw din ha?

Bigay ng kung anumang kailangan sa pamilya. Oo, di kami mayaman. Hinihiling ko nga na maging mayaman kami pero hindi mangyari-yari. Sa pamilya ko ako unang nakaranas na dapat marunong kang umintindi. Minsan ikaw, pero palaging sila. Nakakapagselos minsan pero wala naman akong magagawa. Kahit ako lagi katulong nila sa bahay, parang wala lang din ako sa totoo lang. Kahit ako yung laging nakikita nila, kapag andyan na mga kapatid ko parang bigla akong nawawala.

Masakit man, pero kinakaya ko. Kailangan kong kayanin. Lalabanan at kakayanin ko yung sakit, kasi kailangan. Alam kong onti-onti kong pinapatay sarili ko, pero alam kong babangon parin ako.