Hindi mo kasalanan,
Hindi..
Pero sana wag ka munang magparamdam.
Wag ka munang mangamusta o magpakita na ako’y iyong na aalala.
Huwag na sana.
Hindi ko alam kung kelan pwede na..
Kasi sa totoo lang medyo na sasanay ako na hindi ka nakikita.
Bahagya na akong nakaka tayo..
Bumabalik na ang dating ako,
Kaya pakiusap lubayan mo muna ako!
Aaminin ko..
Aaminin ko na nasaaaktan ako ng dahil sayo,
Naiinis ako, hindi lang sayo maging sa sarili ko..
At ayoko ang nangyayari saking ito,
Hindi ko gusto na nagkakaganito ako dahil alam kong hindi tama ito.
Pero anong gagawin ko?
Anong magagawa ko?
Nagbabago na unti unti ang pagtingin ko sayo?
Sinubukan kong balikan ang palitan ng ating mga sulat,
Kung paano tayo madalas nag-uusap..
Nakakatawa kasi ako pala yung napaka daming satsat,
kahit wala ka namang hudyat!
Nakakatawa kung papaano ko bigyang kahulugan ang pagsabi mo ng”mahal kita sa ibang lenguahe” ng hindi naman nararapat..
Nakakatawa kung papaano ko isipin na posibleng magkaroon ng isang aklat ang pahi-pahina nating pag uusap..
Kung papaano ko pinagtagpi tagpi ang lahat lahat..
Dinuktong ang mga salita mo at gawang hindi naman dapat magkatapat..
Ngunit para sa akin lahat ng iyon ay SAPAT upang humilig ako sa iyong balikat..
Nakakatawang mapagtanto, na sa kwentong tayo ang tauhan, ako lang naman ang nagsusulat..
Patawad. .
Ngunit nasasanay na akong maging masaya kahit ako lang mag isa.
Gusto ko ng kumawala sa maling pag-asa ..
Sa kaisipan na ang pag tingin mo sa akin ay iba..
Na sa pagbabalik mo posibleng may TAYONG DALAWA..
Patawad kung minsan nasisi kita,
Kung inisip kong lumayo muna,
Patawad, kung gusto kong huminga mula sa pakikipag laban sa sarili kong isipan,
Sa sarili kong kahibangan..
Patawad ha?
Kung ang pakikitungo ko sayo ay mag iiba..
Ako lang naman ang sa sarili ko nagpapa asa..
Babalik muna ako sa presensya NIYA..
Sa Kanya na nagmamahal ng lubos sa ating dalawa..
Na matagaltagal kong nabalewala..
Patawad kaibigan, ngunit mas nanaisin kong lumago at lumayo ka..
…
at marahil kailangang AKO at ang DIYOS MUNA..